Welcome to PNP-PRO11

Pulis Davao Region, Respetado, Responsable at Disiplinado.

Top 7 Most Wanted Person sa City level sa kasong Rape, Arestado ng PNP sa Davao City

Top 7 Most Wanted Person sa City level sa kasong Rape, Arestado ng PNP sa Davao City
Arestado ang isang most wanted person sa kasong 2 counts of rape at Lascvious conduct sa patuloy na isinasagawang manhunt charlie operation ng PNP sa Farland Extension, Sirawan, Toril, Davao City, Hunyo 06,2022.
Kinilala ni PMaj Marvin Hugos, Station Commander ng Toril Police Station, ang suspek na si Jaymark Rosel, 25, residente ng Farland Extension, Dumoy, Toril, Davao City na tinaguriang Top 7 most wanted person sa city level.
Ayon kay PMaj Hugos, naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest ng pinagsamang tauhan ng Toril PS kasama ang Regional Intelligence Unit 11; 1105th Mobile Company-Regional Mobile Force Battalion katuwang ang Davao City Intelligence Unit 11.
Dagdag pa ni PMaj Hugos, ang suspek ay nasa kustodiya na ng nasabing istasyon upang humarap sa kasong 2 counts ng rape at Lascivious conduct in relation sa Sec.5 ng Republic Act 7610 at upang dumaan sa tamang disposisyon.
Samantala, hindi naman titigil ang Police Regional Office 11 sa kanilang paghuli sa mga wanted person ng rehinyon onse upang magkaroon ng payapa at ligtas na paligid ang mga mamamayan ng lungsod.
Team PNP-PRO 11 © 2020 ITMS